KABATAAN ANG PAG - ASA NG BAYAN (Kabanata 1) Mahihirap Mayayaman Habang tumatagal ang panahon, hindi talaga mawala sa isipan ko ang mga bagay na palaging bumabagot sa isip ko. Ang hindi pagkakaroon ng kapantayan sa buhay ng mahihirap at mayayaman. Napagtanto ko na napakarami palang kaibahan ng mahihirap at mayayaman. Halos hindi ko na mailarawan ang katotohanan kung ano ang nasa likod ng kanilang kahirapan. Ang antas ng buhay na ang naging basehan ng lahat - lahat dito sa ating bansa. Kapag ang isang mahirap ay nag - aaral sa isang pribadong eskwelahan sinasabihan kaagad na bakit hinihirap pa ang sarili na wala namang pambayad kung meron namang paaralang pampublika. Ngunit kapag mayaman ang nag - aaral sa isang pribadong eskwelahan sasabihan na maykaya dahil may maraming pera. Sa aspeto ng trabaho, kapag ang mahihirap ay naghahanap ng trabaho para may hanap buhay ay hindi madaling natatanggap dahil walang natapos. Ngunit kapag mayaman ang naghahanap ng