KABATAAN ANG PAG - ASA NG BAYAN
(Kabanata 1)
(Kabanata 1)
Mahihirap
Mayayaman
Habang tumatagal ang panahon, hindi talaga mawala sa isipan ko ang mga bagay na palaging bumabagot sa isip ko. Ang hindi pagkakaroon ng kapantayan sa buhay ng mahihirap at mayayaman. Napagtanto ko na napakarami palang kaibahan ng mahihirap at mayayaman. Halos hindi ko na mailarawan ang katotohanan kung ano ang nasa likod ng kanilang kahirapan. Ang antas ng buhay na ang naging basehan ng lahat - lahat dito sa ating bansa. Kapag ang isang mahirap ay nag - aaral sa isang pribadong eskwelahan sinasabihan kaagad na bakit hinihirap pa ang sarili na wala namang pambayad kung meron namang paaralang pampublika. Ngunit kapag mayaman ang nag - aaral sa isang pribadong eskwelahan sasabihan na maykaya dahil may maraming pera. Sa aspeto ng trabaho, kapag ang mahihirap ay naghahanap ng trabaho para may hanap buhay ay hindi madaling natatanggap dahil walang natapos. Ngunit kapag mayaman ang naghahanap ng trabaho ay napakadali lang matanggap dahil may natapos. Mas maraming benepisyong natatanggap ang mayayaman kesa sa mahihirap. Mas madaling makapag- tanggol sa sarili ang mayayaman kesa sa mahihirap. Kapag ang isang mahirap ay nagkagusto ng bagong kagamitan sinasabihan kaagad na ambisyoso o suntok sa buwan. Pera lang ang habol. Ngunit kapag mayaman ang nagkagusto, minamaliit nalang ang kaya ng mahihirap. Sa hapag-kainan ng mayayaman ay punong- puno ng pagkain na tila may papiyesta. Ngunit sa mahihirap ay naghihintay na lang sa piyesta para makakain ng masasarap, katulad ng sa mayayaman. Habang buhay nalang ba ganito ang takbo ng ating bansa? Habang buhay nalang ba tayo nakakulong sa limot at kasinungalingan? Bakit palagi nalang ito nangyayari at walang tigil ang pagsugpo ng kahirapan? Sino nga ba ang pag-asa?
EDUKASYON
Sabi nga nila "Ang edukasyon ay susi ng tagumpay." Hindi maipagkait ang kaibahan ng sistema ng pagtuturo sa paaralang pribado at pampublika. Pero paano nalang kung ang edukasyon ay mabagal lalo na sa mga pampublikong paaralan. Ayon sa isang artikulo na nagsasabing ang korupsiyon sa pampublikong paaralan ay patuloy parin. Hindi lang pampublikong paaralan ang lilinisin sa anumang anumalya kundi ang Kagawaran ng Edukasyon rin na may napakaraming itinatagong kaso na hindi pa nabubutyag sa mga tao ang katotohanan.
Ang Kabataan Party-list Rep. Mong Palatino ngayon ay pinabulaanan ang malaganap na korapsyon sa mga pampublikong paaralan at ang departamento ng Edukasyon para sa mahihirap na estado ng pampublikong edukasyon sa bansa. Sinabi ng batang solon na ito ay kukuha ng "lubusang paglilinis" ng buong burukrasya ng edukasyon upang linisin ang mga pampublikong paaralan. "Ang aming mga pampublikong paaralan ay nangangailangan ng higit sa isang facelift. Walang halaga ng repainting o pagsasaayos ang maaaring masakop para sa malungkot na kalagayan ng ating mga paaralan ng estado, "sabi ni Palatino. "Ang pagkadumi ng korapsyon ay nakakaapekto sa bawat laryo sa mga pampublikong paaralan, mula sa mababang paaralang munisipal hanggang sa mataas na tanggapan sa kagawaran ng Edukasyon. Ito ay parehong kahiya-hiya at trahedya upang malaman na mula sa hanay ng mga tao na tinitingnan namin hanggang sa ang mga tagapagturo ay dumating ang pinaka-corrupt na mga opisyal sa lupain, "sabi niya. "Bawat taon, ang Kagawaran ng Edukasyon ay na-drag sa mga string ng mga maanomalyang kontrata at proyekto ngunit wala sa mga pagsisiyasat ang nakarating sa isang kasiya-siyang konklusyon," sabi ni Palatino. Noong 2007, iniulat ng Commission on Audit na ang DepEd ay gumastos ng P28.67 milyon upang magtayo ng 22 mga gusali ng paaralan sa mga lugar ng mababang prayoridad, habang ang mga marka ng mga paaralan ay nananatiling masikip sa masidhi dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan. Sinabi rin ni Palatino na ang parehong ulat ay nagpakita na 1,573 elementarya at 181 na mataas na paaralan ang hindi nakinabang sa mga talahanayan at armchair na proyekto ng 2004 at 2005 ayon sa dapat nilang gawin, habang ang 844 paaralan na may sapat na upuan ay nakatanggap ng 43,140 na mga talahanayan at 31,514 na armchair. Idinagdag pa ni Palatino na ang mga kamakailang exposes ay nagbubunyag na ang iba't ibang mga proyekto tulad ng pagkuha ng aklat at ang programa ng Pagkain para sa Paaralan ay sinulid ng isang kumpanya sa loob ng maraming taon. Binanggit niya ang textbook scam noong nakaraang taon na nagsiwalat na ang DepEd ay iginawad ang 75.96 porsiyento ng mga bid mula 1999 hanggang 2004 sa Vibal Publishing sa ilalim ng World Bank-sponsored grant. Ang kontrobersiyal na P1 bilyon na noodle project na pagpapakain, sa kabilang banda, ay iginawad sa JEVERPS Manufacturing Corporation mula pa noong 2006. Ang mga noodles na binili ng DepEd ay nagkakahalaga ng P18, higit sa P10 mas mataas kumpara sa mga komersyal na presyo ng tingi. "At sino ang makalimutan ang $ 465.5 milyong Cyber Education Project na na-scrap ng Pangulo matapos itong magbitiw sa mga kritiko? Ang CyberEd ang pinakamalaking sa limang kasunduan na nilagdaan ng gubyerno ng Pilipinas sa China, ang sariling NBN-ZTE ng DepEd, "sabi ni Palatino. Nanawagan ang Palatino para sa muling pagbubukas ng mga imbestigasyon sa mga hindi nalulutas na kaso ng korapsyon na kinasasangkutan ng mga opisyal ng DepEd at mga administrador ng pampublikong paaralan. "Ang mga corrupt na opisyal at tagapagturo na ito ay hindi lamang pagnanakaw mula sa pananalapi ng bansa, sila ay nakuha ang mga kabataang Pilipino ng kanilang kinabukasan. Kung gusto ng DepEd at ng gobyerno na magligtas ng bilyun-bilyong piso sa pagpapanatili at iba pang mga gastos sa pagpapatakbo, mas mahusay na simulan ang paglilinis ng sarili nitong likod-bahay, "sabi ni Palatino.PAMUMUHAY
Malaki ang agwat ng antas ng buhay mayroon ang isang mahirap at mayaman. Isa sa mga pananaw na maaring makita ay ang pagkakaroon ng maliit na sahod sa mga mangagawa. Lalong-lalo na sa mataas na bilihin na hindi kayang matustusan sa sahod na mayroon. Sa bawat pagtaas ng bilihin ay siya ring pagbaba ng sahod. Kahit doblehin pa ng iba ang kanilang paghihirap sa pagtatrabaho para sa pangangailangan nila hindi parin sapat ang kanilang kinikita. Kung kaya't sabayan pa ito ng pagtaas ng mga bilihin ay wala ng matitira sa sahod ng ating mga mangagawa. Sa bawat pagtaas ng mga bilihin, maaring bumaba ang taong gustong bumili sa mga produkto natin na maaring maging sanhi sa mababang ekonomiya natin.
Sa dalawang larawan na makikita, kahit tumaas man ang porsiyento ng may trabaho sa ating bansa. Hindi parin tumaas ang minimum na sahod sa ating manggagawa. Hingil na hindi parin sapat na maganda ang takbo ng buhay ng ating mga manggawa. Datapwat kailangan magkarugtong ang pagtaas ng dalawang ito. Sa kaalaman na mas mataas pa ang halaga ng pera natin sa dolyar kung tutuusin. Pero bakit nalang ba ganito ang nangngyari sa ating bansa? Parang isang paglalaro ang nagaganap para malipat ang atensiyon ng ating mga kababayan.
TRABAHO
Tumaas sa halos 11.2 milyong Pilipino ang walang trabaho sa nakalipas na quarter ng 2016, ang pinakamataas sa loob ng dalawang taon, ayon sa Social Weather Stations (SWS).Ang SWS fourth-quarter survey, isinagawa mula Disyembre 3-6, 2016 at inilabas ng Business World kahapon, ay nagpapakitang 25.1 (%) porsiyento ng mga Pinoy na nasa edad 18 pataas, o tinatayang nasa 11.2 milyong adult (nasa hustong gulang), ang walang trabaho.
Nabunyag sa resulta ng survey nitong Disyembre na tumaas ang joblessness rate ng 6.7 puntos mula sa 18.4%, o halos 8.2 milyong adult, na naitala sa nakalipas na quarter noong Setyembre. Ang bilang noong Setyembre ang pinakamababang naitala sa joblessness survey ng SWS sa nakalipas na siyam na taon.Ipinakita rin ng SWS findings na pinakamataas ang joblessness sa huling buwan ng 2016 simula noong Disyembre 2014 na nasa 27%.Itinuturing mang pinakamataas sa nakalipas na dalawang taon ang joblessness rate sa fourth quarter ng 2016, nasa pinakamataas din naman ang umaasang makakahanap sila ng trabaho sa susunod na 12 buwan.Lumutang sa huling SWS poll na 48% ng mga Pinoy ang umaasang may mas maraming trabaho ngayong 2017.
Ang patuloy na pagtaas ng walang trabaho sa ating bansa ay isang dahilan na patuloy na parami ang mahihirap sa ating bansa. Marahil narin sa kwalipikasiyon na hindi nakapasa sa basehan para makakuha ng trabaho. Ang iba ay nag-aaral pa sa kolehiyo. Kasama sa isang desinteng trabaho ay ang pagkakaroon ng benepisyo ng isang manggagawa.
KABATAAN: MAHIRAP O MAYAMAN?
Sa kabila ng pinagdaanan ng ating bansa ay patuloy parin tayong matatag sa anumang posibleng mangyari sa kinabukasan. Aking napagtanto na isa sa mga solusyon ng maraming problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang Kabataan. Pero dahilan ng tila pagkabigo nito ay implikasyon ng pagiging sira ng Kabataan sa kinahaharapan. Na kung saan ang Edukasyon ay sana pagbigyan natin ng pansin. Ngunit kabaliktaran ang nangyari dahil narin sa kamuwangan kaya't madali tayong nalinlang ng mga taong mas mataas pa sa atin. Wala tayong masisi kundi ang ating mga sarili. Dahil na rin mas pinili natin ang maging limot sa kasinungalingan. Bilang isang kabataan, magiging halimbawa ako sa kapwa ko kabataan na huwag maging kampante sa buhay. Sapagkat, ang gusto na magkaroon ng magandang buhay lalo na sa hinaharap ay nakasalalay sa muwang ng isang Kabataan. Kung kaya't para hindi madaling malinlang ay ang pagbibigay halaga sa edukasyon. Kasabay ng pagsugpo ng Kahirapan sa ating bansa at iba pang sangay ng porma nito. Maihahalintulad sa buhay ng isang mahirap at mayaman ang kinadatnan ng Kabataan natin ngayon. May iba na gumagawa ng mabuti para sa bayan pero pinanaigan ng parin ng kasamaan. Nasa iisang kabataan ang desisyon kung patuloy bang maging mahirap at patuloy na paglaganap ng kahirapan sa bansa o ang maging mayaman sa katotohanan at patuloy na pagsugpo ng kahirapan sa kinabukasan na kung saan ang KABATAAN na ang magdadala ng pag-asa sa bayan.
Pinagmulan:
MGA LARAWAN:
-https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiTGaOPx4LunJx1EH8lt6fXgnOyMefnyBJ9N7QJ31loBGfBsc_mdx5pjVE88PwtMDrNLKiIVU-a6byHt8B1FuWFCYd8s8AjDBKMFUlnu4J_uWR1Alac7B5-p4X8AriB1K5GVZ7mt6s0MKM/s1600/images.jpg
-https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQ0ZS_xSMKqZomxpMO7Vx-eUwycaTsuiIo8SkgGVdZwiImDppJBgg
-https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiaxrruNapcddbMx2o-D-Cv9EZNTo3QXzHqqTa0j_7iB3c2lW51XHG2zL1D998xvjH69SO7eECVhyVVirJaxpUW1LnrcJaLz6T-Bn_wtq9S87am6VQoC6CuofTBlOqP1mC07oGMTkwbc6PF/s1600/images+(1).jpg
-http://dailybruin.com/images/2016/05/DailyBruin_UCD_Story_Draft_2-640x427.png
-https://cashmart.ph/wp-content/uploads/2017/04/summary-of-current-regional-daily-min-wage-2017.jpg
http://images.gmanews.tv/webpics/2017/03/Employment-rate_2017_03_14_11_24_32.jpg
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRL5e_ivHEdtdVbGtFrkp5JJWfdunPSlvut84GeUipcR5EHGZ_T
https://i.ytimg.com/vi/MPMhrRxAj30/hqdefault.jpg
MGA KONTEKSTO:
-http://definitelyfilipino.com/blog/ang-kaibahan-ng-mahirap-sa-mayaman/
-https://www.facebook.com/notes/kabataan-partylist/corruption-stinks-in-public-schools-deped-not-just-schools-should-be-cleaned-up-/101309618412/
-http://andyroid26.blogspot.com/2013/02/5-mababang-pasahod-sa-mataas-na-bilihin.html
-http://www.agham.org/technical-report/analisis-posisyon-sa-salary-standardization-law-iv
-http://balita.net.ph/2017/02/25/11-milyong-pinoy-walang-trabaho/
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento